<bgsound src="http://www.boomspeed.com/starlight/iris.mid" loop="infinite">
doodles and scribbles

Sunday, September 10, 2006

>aray hehe

GOT THIS FROM FLOR'S BLOG. OK?ok!ang kyut kasi eh ^__^ - she got it from email e

___________________________________________________________________

"Learning the art of letting go..."

lyrics `yan ng isa sa mga paborito kong kanta. Let go… hummm, mahirap i – explain yun di ba? Ok fine! Alam ko naman na hindi lahat ng tao e senti. Pero di ako naniniwala na hindi lahat ng tao e nahirapan na magpaalam sa isang bagay o tao na masyado niyang pinahahalagahan. Let go… alam nyo, minsan, nakakainis na isipin kung bakit kailangan pa kailangan na may mawala sa'yo kung kelan nararamdaman mo nang kumpleto na ang buhay mo.


"And if you have to leave, I wish that you would just leave"

yan naman ang isang line na nanggaling sa super gandang kanta na My Immortal. Oo nga naman… bakit nga ba ganoon? Bakit kapag nawawala ang isang tao na mahalaga sayo, hindi pwedeng hindi ka masaktan? Bakit kapag nawala siya, kailangan na iyakan mo siya. Dapat, malungkot ka. Dapt ma- miss mo siya.

Pero iba yun. Letting go is not as simple as saying GOODBYE. Kasi, kapag nag- let go ka, ikaw ang umalis. Ikaw ang nag- decide na lumayo. Lalo na kung ang bagay na iyon ay pinilit mo lang layuan at iwasan dahil alam mong nasasaktan ka. Dahil alam mong wala namang patutunguhan kung itutuloy mo pa.


"I'll let it go with your ...
goodbye"

Mahirap magpaaalam sa isang tao na mahalaga sa iyo- yung taong mahal mo. Most specially, kung kailangan mong i- give up ang nararamdaman mo for the sake na sumaya ang ibang tao. Hindi mo naman kayang may masaktan di ba? E di sino ang dapat magbigay? Di ba ikaw rin? Kapag kailangan mo nang mag- give way dahil alam mong iba ang mahal niya. Syempre mahirap yun. Kasi, kapag nag- let go ka, hindi ka na nagpapaalam sa kanya. Ipaparamdam mo na lang na wala ka na. Hindi rin ganoon kadali. Imagine, kakalimutan mo yung taong pinakamahalaga sayo. Yung taong nagpapakumpleto ng araw mo. Yung taong nakakapagpasaya sa iyo. Yung taong araw- araw mong nakikita. Yung taong hindi mo kayang mawala. Pero kailangan mong mamili. Dahil kung hindi, lalo ka lang masasaktan.

Sabi ng kaibigan ko, sana daw, lahat ng tao bulag. Para hindi ka na masasaktan dahil hindi mo naman nakikita ang totoo. Iisipin mo na lang, na lahat ng bagay, imposibleng mangyari. Na yung taong mahal mo, imposible at kahit kailan ay hindi ka mamahalin. Yun ang isang paraan ng letting go. Kapag nag- let go ka, iisipin mo na lang na hindi talaga pwedeng maramdaman ng taong iyon ang nararamdaman mo para sa kanya.

Pwede kasing maramdaman mo na mahal ka niya. Mararamdaman mo lang. Pero… totoo nga ba? Pwedeng sabihin niya sa iyo. Pero… totoo nga ba? Mahirap umasa. Mahirap maghintay sa wala. Mahirap mag- pretend na ayos lang sayo kapag nakikita mong masaya siya kasama ang taong mahal niya. Mahirap ipa- realize at sabihin sa sarili na wala lang iyon. Na in the end, ikaw pa rin ang mas pipiliin niya. Kaya ano lang ang pwede mong gawin, wala na kundi ang i- let go siya. It takes a lifetime para kalimutan ang isang taong hindi mo naman gustong kalimutan. Pero you have no option to choose, isa lang sa inyo ang dapat maging masaya. Ikaw- o yung taong mahal mo? Kakalimutan mo siya hindi dahil may hatred ka na iba ang mahal niya. Lalayo ka dahil natatakot ka sa katotohanang kaibigan ka lang niya. Dahil hindi mo kayang itanong sa kanya ng diretso, kung mahal ka nga ba niya. Dahil kaibigan mo ang taong mahal niya at hindi ka pwedeng magalit sa taong iyon dahil mahalaga rin siya para sa iyo. Dahil may kaibigan ka na mahal rin ang taong mahal mo. Dahil ang taong iyon… kaibigan lang ang tingin sa iyo. Maraming dahilan. Pero isa lang ang solusyon.


"I'll let you go... I'll let you fly... why do I keep on asking why?"

Hindi ba, mas maganda na mag- let go ka kaysa naman sa forever mong saktan ang sarili mo? Kapag nag- let go, it doesn't mean that you have to forget the feeling. Mahal mo pa rin siya pero tatanggalin mo yung idea na mahalaga siya sa iyo higit pa sa iba. Hindi mo na pwedeng isipin… na mahal mo siya. Pero nandoon pa rin yun. It's just that, hindi mo pwedeng i- express. Hindi na siya dapat maging special sayo. Hindi na siya dapat yung taong gusto mo laging kausap. Kapag kinausap ka niya, e di kausapin mo. Kapag hindi naman, e di wag.


"Maybe it's wrong to say please love me too because I know you'll never do"

Hindi mo naman pwedeng pilitin yun tao kung hindi talaga ikaw di ba? Magmumukha ka lang tanga noon. Kung papipiliin mo naman siya, right at this moment, siguradong hindi ikaw ang pipiliin niya. Wala ka nang pwedeng magawa pa kundi ang tulungan na lang siyang mapalapit sa taong mahal niya. Yun kasi ang isang pagkakamali. Kapag alam mo na kung sino ang mahal niya, magagalit ka sa taong iyon. Pero case to case iyon. Paano kung kaibigan mo naman? Magagalit ka ba? Of course not! You should understand. Hindi naman niya kasalanan kung nagustuhan siya nung taong mahal mo. Dapat nga maging masaya ka. At least, hindi man ikaw iyon, kaibigan mo naman ang minahal niya.


"It's not suppose to feel this way... I need you... I need you...
More and more each day... "

Kung talagang mahal mo siya, dapat ang iisipin mo, kung saan siya sasaya. Kung sa tingin mo, hindi mo magagawa iyon o may iba siyang gusto, set him o her free. Lalo na kung kaibigan mo siya. Kapag naman nagmahal ka, hindi talaga sinasadya. You fall for the most unexpected person in the expected time. Hindi mo naman pinagplanuhan na siya ang gustuhin. Kusa na ;ang siyang dumarating. Bigla mo na lang nararamdaman. But does it matter? Hindi. Ang mahalaga, kung ano o saan siya sasaya. You have to be selfless. Dapat nararamdaman mo kung ikaw ba o hindi ang taong gusto niya. Kung oo, hold on. Kung hindi, try to still hold on. Pero kapag dumating ka na sa point na alam mong wala na rin namang patutunguhan, let go…


"So tell me where do I start... `cause it's breaking my heart...
don't wanna let her go... "
If you really love the person, let him/ her decide. Kasi kapag alam niyang masasaktan ka, syempre, hindi niya sasabihin sa iyo na iba ang mahal niya. Ipaparamdam niya sa iyo na mahal ka niya whereas sa ibang tao, iba ang sinasabi niyang mahal niya. Masakit yun kapag nalaman mo hindi ba? It just mean na hindi pala nagiging reality ang dream. Kasi hindi mo pa naramdaman nang mas maaga na ikaw, dapat great friend ka lang o kaya best friend ka lang. That would be harder, for sure. Mas mahihirapan kang aminin sa sarili mo na hindi ikaw ang mahal niya.


"I guess I'm down to my last cry..."

Siguro.. lahat naman talaga ng bagay natatapos e. Kung hanggang diyan ka na lang, you have to stay like that for the rest of your life. But you should let him/ her know kung ano ang nararamdaman mo. Malay mo… pareho lang pala kayo… pinipilit n'yo lang mag- let go sa isa't isa….
___________________________________________________________________
aray... totoo... hehehe

Posted by tinapie :: 10:40 PM :: 0 Comments:

Post a Comment

---------------oOo---------------